'My Puhunan: Kaya Mo!': Paresan ni Diwata, nagbigay-asenso at yaman sa kaniya

'My Puhunan: Kaya Mo!': Paresan ni Diwata, nagbigay-asenso at yaman sa kaniya

HomeABS-CBN, News'My Puhunan: Kaya Mo!': Paresan ni Diwata, nagbigay-asenso at yaman sa kaniya
'My Puhunan: Kaya Mo!': Paresan ni Diwata, nagbigay-asenso at yaman sa kaniya
Mula sa pagpasok sa iba’t ibang klase ng trabaho gaya ng pagiging construction worker at parlorista, hindi sukat akalain ni Deo Balbuena o mas kilala ng nakararami sa tawag na /”Diwata/” na mararating niya ang tagumpay sa buhay nang dahil sa pagbebenta niya ng kaniyang pamosong /”pares overload/”.
/”Maraming beses na talaga akong nagtinda na nalugi tapos tinda ulit. ‘Pag wala nang puhunan trabaho,/” pagbabahagi niya kay Migs Bustos para sa programang /”My Puhunan: Kaya Mo!/”.
Umaga hanggang gabi, hindi nawawalan ng pila ang kainan ni Diwata simula nang magviral siya sa social media dahil sa kaniyang natatanging personalidad at abot-kayang pagkain na tiyak bubusok sa sikmura ng bibili nito.
Binabalik-balikan sa kaniya ang pares overload at ang sumisikat niya ngayong fried chicken.
/”Binutasan ko sa gitna ‘yan para mabilis maluto,/” paliwanag niya sa kaniyang /”manok with a twist/”.
Sumugal na magnegosyo si Diwata sa bangketa sa Pasay City.
Ang naging problema niya ay ang clearing operations sa lugar.
Dalawang buwan pa lang siya sa bago niyang puwesto, isang bakanteng lote na kayang makapag-accommodate ng maraming customer.
Kilalanin si Diwata at kung bakit binabalik-balikan ng maraming tao ang kaniyang paresan dito sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama si Migs Bustos.

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^