'My Puhunan: Kaya Mo!': Benepisyo ng pagiging virtual freelancer, alamin

'My Puhunan: Kaya Mo!': Benepisyo ng pagiging virtual freelancer, alamin

HomeABS-CBN, News'My Puhunan: Kaya Mo!': Benepisyo ng pagiging virtual freelancer, alamin
'My Puhunan: Kaya Mo!': Benepisyo ng pagiging virtual freelancer, alamin
Maraming Pilipino ngayon ang pinapasok ang pagiging virtual freelancer simula nang maging uso ang work from home set-up noong pandemya.

Limang taon na itong kabuhayan ng nanay na si Ely Javier-Sitchon.

Ilang taon rin siyang nasa mundo ng Human Resources.

Simula nang magkaroon na ng anak, sumugal si Ely na subukan ang pagiging virtual freelancer para nasusubaybayan rin niya ang paglaki ng kaniyang anak.

/”Hindi magiging malakas ‘yung loob ko na magresign without knowing na meron akong puwedeng maging career sa Bahay,/” kuwento niya sa naging panayam ng programang /”My Puhunan: Kaya Mo!/”.

Para sa kaniya, flexibility at financial freedom ang pangako ng pagiging virtual freelancer.

Hindi gaya ng pagiging empleyado sa isang kumpanya, maraming kang maaaring maging kliyente sa trabahong ito. Katuwang mo ang kliyente sa bawat trabaho na iyong gagawin.

/”You are working with your client, partners kayo. So, pareho kayong may say sa rate, sa work conditions, sa output. Another thing is puwede kang kumuha ng multiple client at unlike ‘pag nasa traditional work ka siyempre kung kanino ka employed, doon ka lang. So, this is technically a self-business,/” pagdedetalye ni Ely.

Alamin ang iba pang benepisyo ng pagiging isang virtual freelancer dito lang sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos.

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^