Fire volunteer patay sa sunog sa San Juan

Fire volunteer patay sa sunog sa San Juan

HomeABS-CBN, NewsFire volunteer patay sa sunog sa San Juan
Fire volunteer patay sa sunog sa San Juan
Patay ang isang fire volunteer matapos mabagsakan ng gumuhong bahay sa sunog sa isang residential area sa Barangay Batis, San Juan City.

Kinilala ng mga kaanak ang nasawi na si Chasper Kenneth Oliver, 25 taong gulang.

Ayon kay Fire Superintendent Mike Barayuga, City Fire marshall ng BFP San Juan, habang nagliligpit ng mga gamit ang grupo nina Oliver pagkatapos ideklara ang fireout, biglang gumuho ang isa sa mga nasunog na bahay.

Nabagsakan ng flooring si Oliver na kanyang ikinasawi.

/”Pagkatapos po naming ideklarang fire out by 7:57 pm, may isang bahay dun na gumuho so nangyari ‘yung pagguho habang umaatras ‘yung mga bumbero natin kasi nag-iimpake na sila ng mga gamit. Sa kasamaang palad po nasawi po ‘yung isa sa mga fire volunteer po dahil po nabagsakan po siya ng flooring na galing po sa second floor ng bahay./”

/”Sinubukan siyang i-revive sa San Juan Medical pero hindi na talaga kinaya ng ating fire volunteer po,/” sabi ni FSupt. Barayuga.

Ayon sa fire volunteer na si Kai Alfonso, masakit para sa kanila ang sinapit ni Oliver na apat na taon nilang nakasama sa trabaho.

/”Masakit po para sa amin lalo na ang tagal po ng pinagsamahan namin. Almost 4 years na po kami magkakasama. May dalawang bahay pa kasi nasusunog sa loob pagtawid namin ng ikalawang bahay, dun namin narinig ‘yung pagcollapse ng isang buong bahay tapos akala namin walang patient na nandun pag-ikot namin may natrap pala na isang kasamahan namin,/” sabi ni Alfonso.

Agad pumunta sa ospital ang mga kaanak, pero hindi na nila naabutang buhay si Oliver.

/”Kasi ang kwento lamang sa amin, sabi ng anak ko fifty fifty na. Pagdating namin dito nire-revive na siya. Hindi ko kabisado ang kwento, ang sabi lang pumasok sa nasusunog. Apat ata sila siya, ‘yung huli siya ‘yung nabagsakan. Basag ang helmet,/” sabi ni Mercedes Pascual, kaanak ni Oliver.

/”Matagal na po fire volunteer si CK. Sa amin lumaki ang batang ‘yan, nakakalungkot na nangyari sa kanya ito. Very dedicated po ‘yan. Sa headquarters dun siya natutulog lagi,/” sabi ng tiyuhin ni Oliver na si Paolo Lucero.

Ayon sa BFP, magbibigay sila ng tulong sa pamilya ng nasawing fire volunteer.

/”Tumawag na po ako sa regional headquarters kanina at pinaabot ko na po ang pangyayari, magbibigay po ng tulong ang BFP NCR po sa ating kasamahan na fire volunteer,/” sabi ni FSupt. Barayuga.

Aabot sa 80 pamilya o 318 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab dakong 5:29 ng hapon ng Martes.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naapula makalipas ang dalawa at kalahating oras na tumupok sa 50 bahay.

/”Sa kasalukuyan, mayroon tayong 75 na tents na naiprovide sa ground floor and second floor ng evacuation center. Nakapagbigay na po tayo ng hot meals and food po for tonight. May mga natatanggap din po kaming pagkain mula sa private individuals,/” ani Portia Esquillo, San Juan City Social Welfare Department officer.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga ng napinsala nito.

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^