30 bahay naabo sa sunog sa Barangay La Huerta, Parañaque

30 bahay naabo sa sunog sa Barangay La Huerta, Parañaque

HomeABS-CBN, News30 bahay naabo sa sunog sa Barangay La Huerta, Parañaque
30 bahay naabo sa sunog sa Barangay La Huerta, Parañaque
PARAÑAQUE – Aabot sa 30 na bahay ang natupok matapos sumiklab ang sunog sa ang isang residential area sa Barangay La Huerta, Parañaque City Lunes ng gabi.

Ayon sa mga residente, sumiklab ang apoy bago mag-alas-7 ng gabi.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at natuluyang naapula pasado alas-9 ng gabi, ayon kay FSInsp. Mark Tuto, Chief Operations Section ng BFP Parañaque.

Sa sobrang laki ng apoy, nadamay ang bahagi ng katabing paaralan.

“Sa estimated, around 30 houses ang nasunog sa likod. Then may nadamay na school. ‘Yung fourth floor ng school is nasunog,” sabi ni FSInsp. Tuto.

“Yung classroom niya sa fourth floor, naanuhan siya ng apoy. Gumapang ‘yung apoy sa kisame ng bawat classroom kaya mabilis yung pagkalat,” dagdag niya.

Wala pang pahayag ang eskwelahan sa nangyaring sunog.

Sabi ng BFP, naging hamon para sa kanila maapula ang sunog dahil masikip ang mga daanan sa lugar.

“Yung mga kalsada sa likod maliliit, makikitid. Saka nga light materials ‘yung kabahayan sa likod,/” ani Tuto.

Pansamantalang manunuluyan sa mga tent ang mga pamilyang nawalan ng tirahan bago sila ilipat sa kalapit na paaralan.

“Evacuation plan po namin doon sa La Huerta Elementary School. Pero as of now, nagtatayo muna kami ng tents,” sabi ni Bgy. La Huerta Sangguniang Kabataan Chairman Hannah dela Cruz.

Sa bilis kumalat ng apoy at kapal ng usok, walang naisalbang gamit ang mga lumikas na residente.

“Lumaki na po ‘yung apoy hindi na po kami nakapasok kasi malapit na po. Tatlong hakbang lang ho ‘yung nasunog. Bahay namin tapos tatlong lakad na po,” kwento ni Melody Mendaros na dalawang dekada na nakatira sa lugar.

“Yung mga gamit ng anak ko lang, yung mga birth certificate lang. Yung asawa ko tumulong nagaano ng apoy imbis na maghakot…. Kaya hindi na kami nakapaghakot ng gamit,” dagdag pa niya.

Dahil sa sunog wala pang kuryente sa lugar.

Patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog at halaga ng pinsala dito.

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^