Hindi nakalusot kay Sen. Raffy Tulfo ang kapabayaan ng Philippine Coast Guard #PCG at Marina sa lumubog na bangka sa Talim Island sa Binangonan, Rizal na ikinasawi ng mahigit 20 na sakay nito.
“Limang bangka, sunod-sunod, sa pagitan lamang ng wala pang dalawang linggo nalunod, there must be something wrong,” pahayag pa niya.
Ayon kay Sen. Tulfo, wala pa aniya siyang nakitang nakulong na miyembro ng PCG o Marina kada may lumulubog na pampasaherong bangka o insidente sa karagatan.
“Ang madalas na nakukulong, mga pobreng tripulante palaging ginagawang kolateral,” pagbibigay-diin pa ng Senador.
Kaya bukod sa mas malalim na imbestigasyon kung sino talaga ang dapat managot sa insidente, suhestiyon ni Sen. Tulfo: “Asap lahat ng motorized na bangka, wag muna paandarin, wag muna ipalayag, subject to quick and thorough inspection ng Marina to make sure that they are sea-worthy.” #News5 I via Maeanne Los Baños
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph
Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.
( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^