Sekyu binaril ng kapwa guard sa Caloocan

Sekyu binaril ng kapwa guard sa Caloocan

HomeABS-CBN, NewsSekyu binaril ng kapwa guard sa Caloocan
Sekyu binaril ng kapwa guard sa Caloocan
Dead on the spot ang isang security guard matapos barilin ng kasamahang sekyu sa Barangay 171, Bagumbong, Caloocan, dakong alas otso y medya Linggo ng gabi.

Ayon kay PCol Ruben Lacuesta, Caloocan PNP station commande, nasa 48 anyos ang lalaking biktima, na residente rin sa lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan PNP, nakaduty ang biktima sa gate ng isang exclusive subdivision sa Bagumbong, nang dumating ang suspek.

Sinasabing nakainom ang suspek kung kaya’t sinita at pilit na pinapauwi ito ng biktima.

Nagmatigas naman ang suspek kung kaya’t kumuha ng walis ang biktima at inihampas ito sa ulo ng suspek.

Dito na kinuha ng suspek ang isang kalibre 38 na baril sa kanilang locker at pinaputukan sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Agad namang naaresto ang suspek na ngayon ay mahaharap sa reklamong murder.

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^