'My Puhunan: Kaya Mo!': Karinderya sa Novaliches bakit pinipilahan?

'My Puhunan: Kaya Mo!': Karinderya sa Novaliches bakit pinipilahan?

HomeABS-CBN, News'My Puhunan: Kaya Mo!': Karinderya sa Novaliches bakit pinipilahan?
'My Puhunan: Kaya Mo!': Karinderya sa Novaliches bakit pinipilahan?
Pinipilahan ng mga parokyano mula alas kuwatro ng hapon hanggang alas singko ng madaling araw ang kainan ni Violeta Palma o mas kilala sa tawag na Violy sa Novaliches, Quezon City.

Labing anim na taon nang nagpapatakbo ng kaniyang karinderya si Nanay Violy kasama ang kaniyang mister na si Tatay Melvin.

Nagsimula lang raw sila noon sa pagbebenta ng mga pagkaing pang-almusal.

/”Nagluluto pa kami ng almusal noon. Almusalan sa umaga tapos tanghalian sa tanghali tsaka meryenda sa hapon. Tapos nu’ng marami na akong customer kasi na mga bakla, ‘yun, nag-ano sila na ‘Nay, baka naman puwedeng fried rice sa umaga,’ kaya lang hindi ‘yun natuloy na fried rice sa umaga kundi sa gabi na, sa hapon kasi madalas sila rito gabi tsaka madaling araw,/” pagbabahagi niya kay Migs Bustos para sa programang /”My Puhunan: Kaya Mo!/”.

Pumatok ang fried rice ni Nanay Violy hindi lang sa LGBTQIA community kundi sa lahat ng kaniyang mga ka-lugar na mabibili sa halagang walong piso.

/”Ang ginagawa namin talagang bagong saing. Talagang may pangtimpla na kami. Kailangan mainit na kanin. Bagong saing,/” kuwento niya.

Bukod sa kaniyang best seller fried rice, mabibili rin kay Nanay Violy ang ilan sa mga ulam na madalas makita tuwing almusal gaya ng itlog, luncheon meat, tortang talong at iba pa.

Kilalanin ang /”Violy Bee Karinderya/” ni Nanay Violy at kung paano nagtutulungan ang kaniyang pamilya sa pagpapatakbo ng kanilang munting negosyo dito lang sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama sina Karen Davila at Migs Bustos.

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^