Mga grupo nagtipon para gunitain ang ika-51 anibersaryo ng Martial Law
Nagtipon-tipon ang ilang grupo sa People Power Monument nitong Miyerkoles (Setyembre 20) para gunitain ang ika-51 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Layunin umano ng pagtitipon na mapaalala sa publiko ang mga isyung bumalot sa bansa noong panahon ng diktadurya ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Kabilang sa mga dumalo ay ang ilang miyembro ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement, Franciscan Sisters of the Immaculate Conception, Philippine Alliance of Human Rights Advocates, at Task Force Detainees of the Philippines.
Bukod sa pagtitipon, nagsindi rin ng kandila ang ilang dumalo at ang iba naman ay gumamit ng /”light sticks./”
— Ulat at kuha ni Izzy Lee, ABS-CBN News
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.
( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^