Ilang proyekto ng DTI na hindi pinondohan ng DBM, kinuwestiyon sa Senado

Ilang proyekto ng DTI na hindi pinondohan ng DBM, kinuwestiyon sa Senado

HomeNews, TV5Ilang proyekto ng DTI na hindi pinondohan ng DBM, kinuwestiyon sa Senado
Ilang proyekto ng DTI na hindi pinondohan ng DBM, kinuwestiyon sa Senado
Kinuwestiyon ng ilang Senador ang mga nakalistang programa ng Department of Trade and Industry pero walang nakalagay na pondo sa iprinesenta nitong report sa Senado. Humingi anila ng pondo ang DTI para sa mga proyekto, tulad na lang ng Center for Artificial Intelligence Research (CAIR) na tututok sa pagtulong sa micro, small at medium enterprises (MSME) para maka-adopt sila sa artificial intelligence at magamit para mapalago ang kanilang mga negosyo, pero hindi umano ito binigyan ng pondo ng DBM.

Giit ng ahensya, ang kanilang hinihinging P200 milyon na budget para rito ay upang makabili ng mga computer, pampasweldo sa mga kukuhaning karagdagang tao, pati na ang pagbuo ng gusali.

Pinagtataka naman ni Sen. Loren Legarda kung bakit walang ibinigay na budget para sa naturang programa kaya’t hinihingi niya ang buong plano ng DTI kaugnay sa CAIR nang sa gayon ay maaral ng komite ito.

Kabilang din sa mga programa ng ahensya na hindi binigyan ng pondo ng DBM ay ang hinihinging P300 milyon para sa pagpapalakas ng intelligence and consumer protection. #News5 via Maeanne Los Baños

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^