Grupo ng mga guro at estudyante, nagkilos-protesta sa unang araw ng balik-eskwela

Grupo ng mga guro at estudyante, nagkilos-protesta sa unang araw ng balik-eskwela

HomeNews, TV5Grupo ng mga guro at estudyante, nagkilos-protesta sa unang araw ng balik-eskwela
Grupo ng mga guro at estudyante, nagkilos-protesta sa unang araw ng balik-eskwela
Nagkasa ng sunrise protest ang grupo ng mga guro at estudyante sa Mendiola sa Maynila madaling araw ng Martes, August 29, bitbit ang mga ipinatanggal na visual aids at learning materials sa kani-kanilang classroom.
Manipestasyon anila ito na ang kasalukuyang opisyal sa gobyerno na humahawak ng sektor ng edukasyon ay hindi maalam sa tunay na kailangan ng mga guro at estudyante.

Layon ding iparating ng grupo ang kanilang mga panawagan sa gobyerno na solusyunan ang ilang problema sa naturang sektor.

Isa sa kanilang mga panawagan ay ang karagdagang budget at esensyal na pangangailagan ng sektor ng edukasyon sa bansa gaya ng dagdag na classrooms, teaching and non-teaching personnel, maging ang panawagang sapat na pondo para sa mga pampublikong paaralan.

Ayon sa Alliance of Concerned Teacher (ACT) NCR, sinadya nilang ikasa ang kilos-protesta ng madaling araw, kasabay ng unang araw ng balik-eskwela dahil kailangan pa anilang pumasok sa kanya-kanyang paaralan ng 6 a.m. #News5 I via Dave Abuel

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.


( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^