Ayon kay Police Col. Gideon Ines, Deputy Chief ng Pasig City Police, nakuha ang mga UXO ng mga backhoe operator habang naghuhukay sa isang construction site.
“Project ito ng parang mga condominium. Nag-uumpisa pa lang gumawa ng mga buildings nandun ‘yung backhoe operator. Habang naghuhukay, doon nadiskubre niya itong unexploded ordnance kaya nagtawag sila ng kapulisan pero September 19 na nila tinawag. Sa pagtatanong ng ating mga kapulisan doon, nadiskubre pala nila yun September 15,” sabi ni Police Col Ines.
Dagdag niya, naghintay umano ng go signal mula sa management ng ginagawang condominium ang backhoe operator at security personnel kaya hindi agad nai-report sa mga pulis.
Nasa kustodiya na ng regional headquarters ng explosive unit sa Bicutan ang mga UXO at maghahanap ng lugar kung saan maaari itong pasabugin.
“Sa information sa Barangay Manggahan itong lugar na ito is ano ‘yan eh tabing ilog ‘yan eh so during that time World War siguro eh doon tinapon so ‘yung iba hindi sumabog./”
Sa ngayon may natitira pang tatlumpung UXO na nadiskubre nitong Huwebes ng umaga at nakatakdang kukunin ng mga pulis ngayong araw.
Paalala ni Police Colonel Ines, i-report kaagad sa mga awtoridad kung may nadiskubreng UXO dahil posible itong makapinsala.
Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews
Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com
Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.
( Advertise in videos.) Ads are skippable with “Skip Ad” buttons appearing after 3-10 seconds...
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^